Hindi na nahihirapan ang mga manggagawang papasok sa kani-kanilang tanggapan kung ikukumpara kahapon, dahil mas payapa na ang sitwasyon sa checkpoint sa Marcos Highway na nagdudugtong sa Marikina City at Antipolo City.
Kapansin pansin ngayon ikalawang araw nang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, na kakaunti na lang ang mga manggagawa na naiipit sa checkpoint.
Hindi na pinahihirapan ang mga workers na exempted dahil sa mabilis na ring nakakadaan ang mga motoristang exempted sa Community Quarantine kagaya ng Health workers, public utility workers at mga naghahatid ng pagkain.
Magkakaibang linya na kasi ang dinaraanan ng mga naglalakad, naka motorsiklo at pambulikong sasakyan at truck.
Ayon sa mga pulis na nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion, wala silang naging problema mula kaninang madaling araw sa mga dumadaan sa kahabaan ng Marcos Highway dahil alam na umano ng publiko ang alituntunin na ipinatutupad sa checkpoint.
Sa ngayon ay mas mabilis na pagdaan sa checkpoint, nabawasan na ang trapik sa Eastbound at Westbound ng Marcos Highway papuntang Cubao.