Mga mangingisda at ilang residente ng Surigao del Norte, hinatiran ng tulong ni Sen. Bong Go

Nagtungo kamakailan ang outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go sa Surigao del Norte.

Dito namahagi ang grupo ng food packs, face mask, bitamina, bike at tablet na magagamit ng mga estudyante para sa kanilang blended learning.

Bukod sa outreach team ni Sen. Bong Go, kasama ring tumulak pa Surigao ang iba pang sangay ng pamahalaan.


Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namigay ng financial assistance habang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman ay may alok na livelihood at scholarship program para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Nasa higit 1,000 residente ng mga Brgy. San Isidro, Sta Monica at Burgos ang nabigyan ng maagang pamasko.

Kasunod nito nangako rin ang senador na magdadala ng maraming bakuna sa lalawigan.

Umaapela naman ito sa mga residente ng Surigao na magpabakuna na dahil ito ay magsisilbing proteksyon laban sa COVID-19 at upang makamit ng bansa ang population protection at herd immunity.

Facebook Comments