13 MUNISIPALIDAD SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, COVID-19 FREE NA

33

LINGAYEN, PANGASINAN – Labin-tatlong lugar o bayan sa Pangasinan ang wala nang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng Agno, Alaminos City, Alcala, Anda, Balungao, Dasol, Infanta, Mabini, San Manuel, Sto. Tomas, Sual at Urbiztondo.

Base sa datos ng Provincial Health Office, mayroon na lamang 160 na indibidwal ang sumasailalim sa quarantine upang magpagaling sa sakit.


Sa kabuuan nasa 35, 372 ang naitalang COVID-19 cases sa Pangasinan, 1, 199 ang nasawi at 34, 013 ang gumaling.

Nangunguna sa Provincial Health Watchlist ang San Carlos City na mayroong 8 kaso, Binmaley – 7, Bayambang, Lingayen at San Quintin ay mayroong 6 na kaso, Bani, Manaoag, Pozorrubio at Mangatarem na may 5 kaso, apat naman sa mga bayan ng Basista, Burgos, Bolinao, Malasiqui, San Carlos City.###

Facebook Comments