Mga mangingisda na hinarang ng mga otoridad sa Sipalay, Negros Occidental – hindi miyembro ng Maute Group ayon sa Philippine Coast Guard

Sipalay City, Negros Occidental – Mga ordinaryong mangingisda mula sa Dapitan ang mga taong sakay ng pump boat na hinarang sa Sipalay, Negros Occidental matapos itong pinaghinalaang miyembro ng Maute.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon na isinagawa ng Philippine Coast Guard matapos na hinarang ang mga ito at isinailalim sa imbestigasyon ang may-ari at kapitan ng fishing boat na may tatlong crew ng na intercept ito sa baybayin ng Sipalay City kahapon ng tanghali.

Ayon kay Bacolod Coast Guard Station Head, Lt. Senior Grade Officer Jimmy Oliver Vingno, lumalabas na papunta sana ang naturang mga mangingisda sa Mindoro at tumigil lang ito sa Sipalay City upang bumili ng gasolina.


Nang ma-intercept kaagad na sinabihan ang kapitan ng fishing boat na bumalik na lamang sa Dapitan.

Kinilala ang mga tripolante ng fishing boat na sina Dante Alabata, Joven Tadiin, Vicente Sumalpong at Joned Calunod, lahat taga Dapitan.

Facebook Comments