Inihirit ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na iprayoridad at bigyan ng capital sa ilalim ng 2022 budget ang mga mangingisda sa bansa.
Ayon sa dating Speaker, mainam kung magbibigay ng “extra effort” ang gobyerno para i-adopt ang ilang “best practices” ng ibang mga bansa na magkakaloob ng potensyal sa fishing industry para matulungan ang mga mangingisda na makapag-alaga ng high-value fish.
Bukod sa may magandang kita na maibibigay sa mga mangingisda ay naniniwala ang mambabatas na bababa ang gastusin ng pamahalaan sa kalusugan lalo na kung panay isda at gulay ang mga Pilipino.
Maliban sa pagpapalakas sa kapasidad ng mga mangingisda sa bansa ay hiniling din ng kongresista na isama sa 2022 budget ang capital para sa mga mangingisda upang matuto ang mga ito sa food processing at magkaroon ng kakayahan para sa modern fishing technologies.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang illegal fishing at may pamamaraan ang mga mangingisda para mapagbuti ang kanilang kabuhayan ngayong pandemya.