Dismayado ang mga mangingisda sa bayan ng Infanta matapos bawiin at sabihing joke lang ang binitawang salita ni Pangulong Duterte noon na pupunta ng West Philippine Sea at ipaglalaban ang kapakanan ng mga mangingisda.
Sa eksklusibong panayam ng IFM Dagupan kay Carlo Montehermoza, ang mangingisda na nagtanong noon kay Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi nito na nalulungkot sila dahil matagal na panahon ang hinihintay na magkaroon ng aksyon ang Pangulo sa kanyang mga sinabi noong kampanya subalit ngayon ay binawi nito.
Aniya ang buong akala nilang mga mangingisda sa infanta ay tutuparin ng Pangulo ang pangako nito noong kampanya.
Dagdag nito, na sa ngayon ay ganoon pa din ang sitwasyon sa Scarborough shoal kung saan ay limitado pa rin sa pagpunta ang mga mangingisdang mapalapit lamang sa karagatan dahil hinaharang pa rin sila ng mga Chinese coast guard magpasa-hanggang ngayon.
Umaasa din umano ito na matutulungan pa rin sila ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapayag sa kanilang makapangisda sa Scarborough shoal.
Sa huli, dahil malapit na ang election sinabi nito na pag may pagkakataon ulit silang magtanong sa mga tatakbong sa pagkapangulo, itatanong umano nito ang tanong din nya noong nakalipas na national election kung saan ay nakatutok ang tanong sa kung paano matutulungan ang mga mangingisda para hindi na pagbawalan ng mga Chinese Coast Guard na mangisda sa West Philippine Sea.
MGA MANGINGISDA SA BAYAN NG INFANTA DISMAYADO SA PAGBAWI NG PANGULONG DUTERTE SA KANYANG SINABI NOONG KAMPANYA
Facebook Comments