Mga mangingisda sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill, wala umanong natatanggap na sapat tulong ayon sa isang research group

Wala umanong sapat at tuloy-tuloy na ayuda ang pamahalaan para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng mga grupo ng scientists at environmental groups na naging kakaunti na lang ang mga tulong na dumarating sa kanilang nitong mga nagdaang mga linggo.

Ito ang resulta ng isinagawang independent fact-finding mission mula April 1 hanggang 3 ng grupong Brigada Kalikasan, AGHAM Advocates for Science and Technology for the People at Center for Environmental Concerns Philippines (CEC).


Batay sa report, bagama’t may mga dumating umanong ayuda sa mga nagdaang mga linggo, marami sa mga residente ang nagsabing ‘di sapat ang kanilang tinanggap na ayuda.

Ang “ayuda packs” ay malimit na naglalaman ng mga food item, hygiene supplies para sa mga sanggol at financial assistance para sa mga transportation ng mga batang magtutungo sa mga eskwela.

Ayon sa mga residente, ang epekto ng fishing ban sa kanila ay mas matindi pa sa COVID dahil hindi sila makapanghuli ng makakaain dahil sa oil spill.

Facebook Comments