Mga gagawin sa hinaharap, pinag-isipang mabuti ni PBBM sa nakalipas Semana Santa

Naging tahimik ang nagdaang Mahal na Araw kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ambush interview sa pangulo sa Bataan, sinabi nitong nagawa niyang makapagnilay-nilay at inisip na mabuti ang mga dapat pang gawin sa hinaharap.

Isa sa kanya umanong ginawa nitong nakaraang Kuwaresma ang pagpa-fasting habang naging magandang pagkakataon din aniya ang Holy Week na makahinga siya nang maluwag.


Bahagya aniya siyang nakapagpahinga, nakapagsagawa ng long walks o nag-exercise nang mas mahabang oras nitong nakaraang bakasyon.

Facebook Comments