Patuloy ang panghaharass at pananakot ang isinasagawa ng mga mga Chinese Coast Guard sa mga mangingisda, partikular na sa Scarborough Shoal, malapit sa Zambales, ayon sa Pamalakaya.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PAMALAKAYA Pilipinas Chairman Andy Hicap, simula taong 2012, hindi na malaya ang pangingisda ng mga pilipino sa sakop nitong Exclusive Economic Zone o EEZ.
Aniya pa, 70-80% ng kita ng mga mangingisda ang nawala dahil dito.
Samantala, patuloy pa rin ang pagbabantay at pagdepensa ng hukbong pandagat ng Pilipinas para ipaglaban ang karapatan nito sa sariling katubigang sakop ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









