Mga mangyayaring fissuring o bitak ng lupa, dapat ipreserba, ayon sa PHIVOLCS

Gusto ng PHIVOLCS na hindi na alisin ang mga bakas ng aktibidad ng Bulkang Taal tulad ng fissuring o mga bitak sa lupa.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, layunin nito na magamit ang mga senyales na ito sa pagpaplano ng pamahalaan sa paggamit ng lupa lalo para sa paninirahan.

Sinabi ni ni Ma. Antonio Bornas na may kultura ang Pinoy kasi na gustong alisin agad ang bakas ng mga kalamidad.


Inihalimbawa niya ang nangyari noong Bulkang Mayon na hindi na dapat ginalaw ang mga bahay na tinamaan ng mga bato para magsilbing buhay na paalala sa puwersa at panganib sa buhay ng pagputok ng bulkan.

Dapat aniyang maging modelo ang Japan at iba pang bansa na naglalagay ng memorial sa mga sakuna na tanda sa tao ng mga dapat iwasan sa hinaharap.

Sinabi pa ni Undersecretary Solidum na taong 1911 para unang nakita ang mga fissure mula sa San Nicolas hanggang Tanauan na tumatawid sa Volcano Island.

Ngayong muli itong nangyari pagkatapos ng mahigit 100 taon, sana ay huwag nang alisin ang tanda at gamiting batayan sa pagpaplano sa lalawigan ng Batangas.

Facebook Comments