Tawilis extinction Malabo, DA

120

Naniniwala si Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na malabong mangyari ang pinangangambahang “Tawilis extinction”.

Sa press briefing sa Malacañang sinabi nitong nagkakaroon ng adoption ang nature sa anumang kaganapan.


Inihalimbawa nito ang nangyaring pag-sabog ng Taal nuong 17th century kung saan mula sa dating saline/salt water ay naging fresh water ito dahilan upang lumabas ang mga bagong species ng isda.

Paliwanag ni Undersecretary Cayanan dati Maliputo ang makikita sa Taal pero nung naging fresh water lake na ito ay talakitok na ang makikita gayundin ang dating salty sardines na ngayon ay tinatawag ng Tawilis.

Naniniwala si Cayanan na ang pag-putok ng Taal ay magbibigay ng bagong kaanyuhan sa mga species na nakikita sa Taal.

Nabatid na ang Tawilis ay ang katangi tanging freshwater sardine sa buong Mundo na matatagpuan lamang sa Taal lake.

Facebook Comments