Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na ika-100 anibersaryo ng Koronasyon ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng Manaoag, nagsagawa ng financial literacy orientation para sa mga manininda sa paligid ng simbahan ng Manaoag.
Isinagawa ang aktibidad ng lokal na pamahalaan katuwang ang Landbank Urdaneta City Branch para sa mga may maliliit na negosyo.
Tinalakay sa orientation ang mga produktong pinansyal at loan programs na maaaring makatulong bilang pandagdag puhunan.
Layunin din ng programa na maihanda ang mga negosyante sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa nalalapit na kapistahan, na inaasahang magiging isa sa pinakamalaking kaganapan sa bayan ngayong taon.
Facebook Comments









