BAHAGI NG DAANAN SA MAYOMBO ST. – PEREZ BLVD. INTERSECTION, SINIMENTUHAN NA MATAPOS ANG INSIDENTE NG TUMALSIK NA BATO

Nasimentuhan na ang isang bahagi ng daanan sa intersection ng Mayombo Street at Perez Boulevard na kamakailan ay idinadaing ng mga motorista dahil sa lubak at mga batong nakaharang.

Matapos ang pag-ulan na nagdulot ng pagbaha, nagkaproblema naman ang mga motorista sa mga batong naiwan sa kalsada, kung saan isang babae ang tinamaan ng tumalsik na bato mula sa mabilis na dumadaang trak.

Agad itong inaksyunan ng mga kinauukulan, at sinimulan na ang pagsasaayos ng bahagi ng kalsada habang hinihintay ang pondo para sa kabuuang rehabilitasyon ng daanan at drainage system sa Mayombo–Caranglaan area mula sa national government.

Sa ngayon, pinayuhan ang mga motorista na maghinay-hinay sa pagmamaneho sa lugar upang maiwasan ang disgrasya at hindi makaperwisyo sa mga pedestrian.

Facebook Comments