Mga manlalaro mula sa iba’t-ibang koponan sa ilalim ng  San Miguel Corporation, nagnegatibo sa COVID-19 test

94

Negatibo sa COVID-19 test ang lahat ng manlalaro sa lahat ng koponang nasa ilalim ng San Miguel Corporation (SMC).

Ayon kay SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang, kabilang dito ang mga manlalaro ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots gayundin ang ilang coaches at staff.


Magandang indikasyon aniya ito para masigurong ligtas ang lahat ng manlalaro laban sa virus.

Matatandaang nakaraang linggo nang umpisahan ng SMC ang pagsasagawa ng test sa 70,000 workforce nito at third party providers kabilang na ang mga manlalaro ng tatlong nabanggit na koponan.

Facebook Comments