Mga manlalaro ng PBA, kumanta ng “Heal the World” para labanan ang sakit na COVID -19

Ilang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine cup ang gumawa ng video para kantahin ang kantang “Heal the World” ng sikat na singer-songwriter na si Michael Jackson.

Pinangunahan ni Barangay Ginebra point guard na si L.A Tenorio ang naturang kanta na kaniyang ipinost sa kaniyang instagram account na sinuportahan naman ng iba pang Pba players.

Kabilang sa mga sumabay sa pagkanta ay sina:


  • Paul Lee
  • Marc Pingris
  • Scottie Thompson
  • Jimmy Alapag
  • Gabe Norwood
  • Jayson Castro
  • Kiefer Ravena
  • Japeth Aguilar
  • Mark Caguiao
  • James Yap
  • Jayjay Helterbrand
  • Beau Belga at ang six-time MVP na si June Mar Fajardo.

Ginawa ang naturang kanta para labanan ang nakahahawang sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Facebook Comments