Mga manlalaro ng Siquijor Mystics na sangkot sa game-fixing, tiniyak na dadaan sa due process

Tiniyak ng Games and Amusement Board (GAB) na hindi pa tuluyang maaalis ang Siquijor Mystics sa 2021 Pilipinas VisMin Super Cup kasunod ng nangyaring game-fixing.

Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, susulatan nila isa-isa ang mga manlalaro ng Siquijor Mystics na sangkot sa game-fixing para pagpaliwanagin.

Aniya, karapatan ng mga manlalaro na dumaan sa due process at mapakinggan ang kanilang panig.


Matatandang ilang oras matapos kanselahin ang laro ng Siquijor Mystics konta ARQ Builders-Lapu Lapu City dahil sa power interruption, ilang video clips ang kumalat online kung saan makikita na tila sinasadyang isala ng mga manlalaro ang kanilang free layups at free throws na umano’y paglabag sa rules ng liga.

Facebook Comments