DAAN-DAANG MANOK, ILIGAL NA IPINUSLIT MULA NUEVA ECIJA, NASABAT SA MALASIQUI

Aabot sa 720 na manok mula Nueva Ecija ang ipinuslit sa Malasiqui, Pangasinan.
Ang mga ito ay walang kaukulang papeles kung saan ang Nueva Ecija din ay mayroong outbreak ng bird flu.
Nakatakda sanang ibenta ang mga manok sa Don Vicente Quintans St. (DVQ), Poblacion, Malasiqui.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malasiqui, napag-alamang paso na ang shipping permit ng mga sasakyang gamit sa pagbiyahe ng naturang mga manok nito pang mga nakaraang linggo ng Hulyo.
Natukoy rin sa mga expired na shipping permit na sa Nueva Vizcaya ang nakadeklarang destinasyon ng mga sasakyang naglalaman ng mga manok.
Isinailalim sa culling operation ang mga manok bilang preventive measure laban sa posibilidad ng pagpasok at pagkalat ng bird flu sa probinsya.
Ang proper disposal sa mga manok ay isinagawa sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Malasiqui sa Brgy. Taloyan.
Ayon sa Executive Order No. 0103-2022 ni Governor Ramon Guico III, pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga spent hen sa probinsiya hanggang sa ika-30 ng Setyembre matapos ang outbreak ng bird flu sa karatig probinsiya. | ifmnews
Facebook Comments