Mga manok sa Bataan, ligtas sa bird flu outbreak

Bataan – Mariing tiniyak ng Bataan Provincial Veterinarian Office na ligtas sa bird flu outbreak ang mga manok sa Bataan.

Ginawa ni Doctor Alber Venturina ang anunsiyo matapos ang flag ceremony sa kapitolyo ng Bataan.

Ayon kay Venturina, walang dahilan para iwasan ang pagkain ng mga manok.


Tiniyak din ng mga opisyal na mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad at patuloy ang inspeksiyon sa mga poultry farms sa buong Bataan para tiyaking ligtas ito mula sa anumang sakit gaya ng bird flu na may outbreak ngayon sa San Luis, Pampanga.

Facebook Comments