Mga manufacturer ng gamot sa bansa, apektado rin ng pagtaas ng presyo ng asukal

Apektado rin ng pagtaas ng presyo ng asukal ang mga manufacturer ng gamot sa bansa.

Ayon kay Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association President Higinio Porte Jr., apektado ang produksiyon nila ng ilang syrup dahil 20 hanggang 30 porsiyento ng formulation ay gawa sa asukal.

Gayunpaman, hindi naman aniya pwedeng magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng gamot.


Dahil dito, nananawagan ang grupo sa gobyerno na palakasin ang lokal na produksiyon ng asukal, na siyang pinagkukuhanan nila ng raw materials, dahil mahal din ang imported na alternatibo para dito.

Matatandaang nito lamang Agosto ay umabot na sa P100 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan dahil sa umano’y kakulangan ng supply.

Facebook Comments