Italian Amb. Clemente nag-courtesy call kay DND OIC Usec. Faustino

60

Bumisita at nag-courtesy call kay Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., Officer-in-Charge, Department of National Defense (DND) si Italian Ambassador to the Philippines His Excellency Marco Clemente.

 

Ayon kay Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong, nagpa-abot nang pagbati si Ambassador Clemente kay Sr. Usec. Faustino dahil sa pagkakatalaga rito bilang OIC ng DND.

 

Sentro ng talakayan ng 2 opisyal ang pagpapalakas ng Philippines-Italy bilateral relations.


 

Samantala, sa panig ni Senior Undersecretary Faustino nagpaabot ito nang pagbati kay Ambassador Clemente kaugnay ng 75th Anniversary ng Philippines-Italy diplomatic relations.

 

Pinagtibay rin ng dalawang bansa ang kanilang commitment sa defense relations.

 

Kasunod nito, nagpahayag din nang kahandaan ang Italian government sa capability-upgrade program ng Armed Forces of the Philippines.



 

Matatandaang bumili ang Pilipinas ng AgustaWestland helicopters sa Italy para sa Philippine Navy at attack helicopters para naman sa Philippine Air Force bilang bahagi ng kanilang modernization program.

Facebook Comments