Nag-abiso ang Maynilad na kailangang palawigin simula ngayong araw, ika-17 ng Marso hanggang sa ika-1 ng Abril ang off-peak daily water service interruptions sa 9 na lungsod sa National Capital Region (NCR).
Ito’y upang patuloy na matipid ang mabilis na pagkaubos ng tubig sa mga water reservoir na dulot ng mas mataas na demand ngayong panahon ng tag-init.
Kabilang sa maaapektuhang lugar ang Bulacan, Valenzuela, Parañaque, Pasay, Makati, Navotas, Manila, Quezon City, Malabon at Caloocan.
Ang nasabing off-peak interruptions ay makatutulong makapag-refill ang Maynilad sa kanilang reservoir tuwing gabi para makapaghanda sa mataas na demand tuwing umaga.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon at maging masinop sa sa paggamit ng tubig.
Facebook Comments