DOTr, tiniyak na hindi tataas ang pasahe sa tren

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na walang taas-pasahe sa lahat ng linya ng tren.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOTr Usec. for Railways Timothy John Batan na habilin ni Secretary Art Tugade na walang magiging pagtaas sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 kahit pa sunod-sunod ang taas-presyo ng produktong petrolyo.

Ani Batan, ito ang assurance ng DOTr sa mga mananakay ng tren sa gitna ng inaasahang pagdagsa muli ng mga pasahero ngayong Abril dahil sa pagbabalik ng 100% ng mga kawani at manggagawa sa kani-kanilang mga opisina.


Tulong na rin aniya ito ng ahensya sa publiko dahil sa kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng basic goods at services.

Matatandaan na una nang sinabi na ni Secretary Tugade na tutol siya sa taas-pasahe.

Facebook Comments