Manila, Philippines – Pinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Palasyo ngMalacañang ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) para sa isang joint command conference.
Inaasahang gagawin ang nasabing pulong sa Palasyo mamayang pasado 3:30.
Wala pa namang inilalabas na impormasyon ang Palasyo sa kung anong partikular na isyu ang tatalakayin sa nasabing command conference pero hindi din naman matatanggal dito ang usapin sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City at ang umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.
Wala din namang binanggit ang Malacañang kung mayroong magiging bagong direktiba si Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis.
Bago nito ay manunumpa din kay Pangulong Duterte ang mga bagong promote na mga pulis na may star rank at mga bagong heneral ng PNP kung saan inaasahan din na magbibigay ng talumpati ang Pangulo sa nasabing aktibidad.
Mamayang gabi naman ay pangungunahan ni Pangulong Duterte ang selebrasyon ng Technical Education Skills Development Authority o TESDA na gagawin mamayang 7:00 ng gabi.