Mga matatandang kabilang sa A4, dapat isama sa mga unang mabakunahan – DOH

Iminungkahi ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force na unahing turukan ng COVID-19 vaccine ang mga mas matatandang empleyadong kasama sa A4 priority list.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, mas vulnerable sa COVID ang mas matatandang indibidwal kaya’t mas mainam kung sila ang uunahing bakunahan mula sa essential workers.

Aniya, maaaring gawing “stratified” o hatiin ang A4 priority list base sa edad ng manggagawa.


Una nang sinabi ng IATF na igu-grupo sa tatlo ang A4 priority group kung saan hahatiin ito sa mga empleyadong ‘on site,’ mga empleyado ng pamahalaan at mga manggagawa sa informal sector.

Ang mga uunahing turukan sa A4 priority group ay ang mga manggagawa sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.

Facebook Comments