Mga matataong lugar sa Metro Manila, pinababantayan ng NCRPO kasunod kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu

Pinababantayan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga intelligence unit at Explosive and Ordnance Division ang mga matataong lugar sa Metro Manila matapos ang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon.

Sa kanyang press conference sa Kampo Karingal, inatasan ni NCRPO Chief Maj. General Debold Sinas ang mga district directors sa NCR na palakasin ang intelligence gathering para matiyak na hindi mangyayari sa Metro Manila ang bombing incident sa Jolo, Sulu.

Hinikayat din niya ang publiko na agad iparating sa mga awtoridad kung may mga bagong dating sa kanilang lugar na nagmula sa Jolo, Sulu.


Dapat din aniyang seryosohin ng Explosive and Ordnance Division ang mga tawag sa telepono na may kaugnayan sa mga bomb threat.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa mga katapat nito sa AFP-NCR command para mas palakasin pa ang intelligence gathering sa mga pinaghihinalaang myembro ng mga terorista.

Facebook Comments