Manila, Philippines – Ikinukunsidera ng mga pangunahing may-akda ng resolution of both houses number 8 ang mga suhestyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa posibilidad na no-election sa 2019 at term extension.
Ayon kina ABS PL Representative Eugene de Vera at Pampanga Representative Aurelio Gonzales, hindi kasama sa kanilang rekomendasyon sa binuong draft ng Charter Change ang mga nabanggit na posibilidad ni Alvarez.
Aniya, nakalagay sa draft ng Cha-cha na tuloy pa rin ang May 2019 senatorial election.
Bukod dito, kung may term extension man, mas gusto ng mga may-akda na isang taon lamang ang pagpapalawig sa pwesto para ma-synchronize sa tig-apat na taon ang termino.
Wala pa naman anilang dapat na ikabahala lalo na ang mga kritiko dahil plano at hindi pa naman sigurado kung mapagkakasunduan ng mga mambabatas ang mga inirekomenda ni Speaker Alvarez sa oras na mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly.
Hindi rin anila masama ang mga suhestyon dahil sa ilalim ng transition period ay mangangailangan talaga ng panahon para maging maayos ang pagpapalit ng Konstitusyon.