Patuloy na nakakatangap ng Shelter Grade Tarpaulins ang mga pamilyang ang bahay ay totallly at partially damaged dahil sa naranasang 6.8 magnitude na lindol sa Minadanao.
Ito ang inihayag ni Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Randy Escolango sa programang Bagong Pilipinas Ngayon.
Ayon sa opisyal, mayroon nang naipadalang isang libong shelter grade tarpaulins ang sa Mindanao.
Bukod naman sa sheltee grade tarpaulins ay mayroong pang-rental subsidy na ibinibigay ang DHSUD para sa mga pamilyang tuluyang nawalan ng bahay.
Nagkakahalaga aniya ang rental subsidy ng ₱10,000.
Ito ayon kay Escolango ay utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa immidiate relief ng mga biktima.
Dahil dito, ayon sa opisyal minamadali na ng mga regional offices ang pagpo-proseso ng mga requirement para mapakinabangan kaagad ng mga naapektuhan ng malakas na lindol.