Sa harap nang inaasahang pagdagsa ng tao malapit sa pagdarausan ng inagurasyon ni Presiden-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na manatili sa bahay ang mga may karamdaman maging ang may mga bitbit na bata.
Ito ay dahil sa nanatili pa rin ang pandemya.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Major General Valeriano del Leon mas maiging panoorin nalang sa telebisyon ang inagurasyon ng bagong pangulo sa June 30.
Kaugnay nito babala naman ni Del Leon sa mga dadalo ng personal para mapanood ang panunumpa ni President-elect Marcos Jr. sa golf area ng Intramuros na huwag gumamit ng backpacks sa halip plastic bag nalang ang dalhin para agad ma-screen ng mga pulis ang laman ng bag.
Mapapadali aniya ang screening process ng mga watchers at mga pulis kung ito ay susundin ng mga taong sasaksihan ang inagurasyon.
Una nang sinabi ng PNP na mahigit anim na libong pulis, sundalo at force multipliers ang ide-deploy para tiyakin ang mahigpit na seguridad.