Dalagita, Natagpuang Patay sa Iriga City, Katawan may mga Tama ng Taga

30
Nasa kasagsagan ngayon ng imbistigasyon ang pulisya ng Iriga City kaugnay ng kaso ng pagkakadiskubre ng bangkay ng isang dalagita.
Ang biktima, na hindi pa muna ipinabatid ang pangalan, 15 anyos, Grade 9, ay huling nakita noong June 24.
Ayon sa inisyal na impormasyon, umalis sa kanilang bahay ang biktima para kumuha ng gulay dala-dala ang isang itak. Hindi na nakauwi pa ang dalagita.
Kinabukasan na, Sabado, June 25, bandang alas 2 ng hapon, natagpuan ang dalagita na wala ng buhay at may tama ng taga sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. [image: 📷]Credit to the owner


Facebook Comments