Mga may schedule ng bakuna kontra COVID-19 sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown, hindi makalalabas; food delivery, pwede! – DILG

Pwede pa rin ang mga food delivery kahit nakasailalim ang isang lugar sa granular lockdown.

Ito ay kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na aniya hanggang sa border lang ng isinara na lugar ang maghahatid ng pagkain.

Ayon kay Malaya, magkakaroon ng patakaran ang LGU na kung saan at paano maihahatid sa bahay ng nagpadeliver ang binili nitong pagkain.


Tiniyak naman ni Malaya na makakatanggap ng food packs ang mga maaapektuhan ng granular lockdown tulad ng bigas at delata.

Samantala, hindi makakalabas ang may mga schedule ng bakuna kontra COVID-19 sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.

Sinabi ni Malaya na kailangan matapos muna ang ipinapatupad na granular lockdown para makapagbakuna.

Facebook Comments