Mga meat importers, nagpahayag ng suporta sa import duty reduction at mataas na minimum access volume sa pork importation

Suportado ng Meat Importers and Traders Association (MITA) ang pagpapababa sa taripa at pagtataas sa minimum access volume (MAV) sa importasyon ng karneng baboy.

Sa kanilang liham kay Agriculture Secretary William Dar, nagpahayag ng pagkadismaya si Jesus Cham, Presidente ng MITA sa patuloy na pagkontra ng mga hog raisers at mga senador.

Hindi aniya nakikita ng naturang grupo ang positibong idudulot ng import duty reduction.


Sa katunayan aniya, ilang araw matapos maglabas ng Executive Order (EO) ang Pangulong Rodrigo Duterte, bumagsak ang presyo ng imported pork.

Dagdag ni Cham, posibleng magbigay ng maling signal ang ipinapakitang posisyon ng mga senador at masira ang momemntum ng pagbasak ng presyo ng inaangkat na karneng baboy.

Tiniyak naman ng grupo na pababahain ng murang pork products ang mga pamilihan at iaadjust ang presyo upang kumita ang retailers sa gitna ng ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa mga imported pork products .

Facebook Comments