Mga meat retailers sa public markets sa Quezon City, hindi muna pagbabayarin ng rental fees

47
Photo Courtesy: Quezon City Government

Hindi na muna pagbabayarin ng rental fees ng Quezon City Hall ang mga meat retailers na hindi nakakapagbenta ng karneng baboy at manok sa mga public markets dahil sa price freeze.

Nagpasiya si Mayor Joy Belmonte na gawin ito pagkatapos ng ginawang inspection sa presyo ng pork products sa Commonwealth Market at Mega Q Mart kahapon.


Inatasan na rin ng alkalde ang Market Development and Administration Department (MDAD) na gumawa ng hakbang para mabigyan ng tulong ang mga market vendors habang hinihintay ang subsidized supply ng baboy mula sa Department of Agriculture (DA).

Una nang inatasan ng alkalde ang MDAD na magsagawa ng inspection sa mga private at public markets upang matiyak na nasusunod ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

Facebook Comments