Pork holiday, resulta umano ng pagpapabaya ng administrasyon sa mga magbababoy

255

Iginiit ni Senator Leila De Lima na ang pork holiday ngayon ay resulta ng mahabang panahon na hindi umano pagbibigay-pansin ng administrasyon sa mga magbababoy.

Ayon kay De Lima, habang busy ang administrasyon magred-tag ng mga aktibista at mga pamantasan, ay talamak naman ang smuggling ng bigas, gulay, karne at iba pang pangunahing bilihin.


Paliwanag ni De Lima, dahil dito ay nagkandalugi-lugi ang ating mga local supplier habang nakapapasok ang mga karne na may dalang African Swine Fever o ASF at iba pang sakit.

Para kay De Lima, failure of leadership ang nangyayari kung saan puro umano pagyayabang ng achievements ang ginagawa habang nagugutom ang mga Pilipino dahil walang mabili at walang pambili.

Facebook Comments