MGA MEAT VENDOR SA PANGASINAN NANAWAGAN NA KONTROLIN ANG PAGPASOK NG IMPORTED MEAT

LINGAYEN, PANGASINAN – Dahil sa patuloy na pagtaas ng karne ng baboy sa merkado nanawagan ang mga meat vendor sa Pangasinan na kontrolin ang pagpasok ng mga imported meat sa lalawigan.

Daing ng mga lokal meat vendor mas tinatangkilik umano ng mga konsyumer ang mga imported foods o ang mga frozen Foods dahil nasa 30-40% na mas mababa ang presyo nito kesa sa sariwang karne ng baboy.

Paliwanag naman ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Livestock Program, kanilang mahigpit na binabantayan pa rin ang pagpasok ng mga karne sa lalawigan.


Samantala, asahan pa umano na sa papalapit na christmas season ay mas tataas pa ang presyo ng karneng baboy. |  ifmnews

Facebook Comments