Mga medical expert mula sa University of the Philippines, nilinaw na hindi nakikipagpaligsahan sa gobyerno

Ipinahayag ng mga medical expert mula sa University of the Philippines (UP) na hindi sila nakikipag-kumpitensya sa gobyerno.

Ito’y kaugnay ng prediksyon sa bilang ng mga maaaring tamaan ng COVID-19.

Nilinaw ni UP Researcher Prof. Ranjit Singh Rye na sa umiiral na kondisyon, walang maituturing na panalo o talo sa paglaban sa COVID-19 dahil matagal pa ang pakikibaka bago masugpo ang virus.


Nauna rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na naipanalo ng bansa ang laban sa virus matapos na hindi pumalo sa 40,000 ang bilang ng mga may COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Ayon pa kay Prof. Rye, ang prediksyon nilang 40,000 ay ibinase lamang sa bilis ng pagtaas ng COVID-19 patient sa nakalipas na dalawang linggo ng buwan ng Hunyo.

Facebook Comments