Mga Medical experts, nagsama-sama para igiit ang pagbabalik ng Dengvaxia

Iginiit ng Doctors for Truth and Public Welfare na payagan na ng administrasyong Duterte ang paggamit ng dengvaxia sa harap ng deklarasyon ng Department of Health sa dengue bilang epidemya.

Sa kanilang pagharap sa media forum sa Quezon City, sinabi ni Dr. Charles Yu, co-convenor ng Doctors for Truth and Public Welfare na dapat nang itigil  ang disinformation ukol sa Dengvaxia.

Inupakan din niya si PAO Chief Attorney Persida Acosta.


Aniya, dapat ang mga abogado ay mag-practice na lamang ng kanilang profession at huwag nang makialam sa trabaho ng mga health experts.

Ani Yu, dapat makonsensya ang ilang kontra sa dengvaxia dahil nakokompromiso ang kalusugan ng publiko.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na handa niyang ibalik ang dengvaxia kung ito ang irerekomenda ng mga Health experts.

Facebook Comments