Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng medical practitioner sa buong bansa na ibigay sa mga non-COVID-19 patients ang atensyong medikal o kinakailangang treatment na na-delay o naapektuhan dahil sa mga ipinatupad na restriksyon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Sa inagurasyon ng Cancer Diagnostic Institute building at Cancer Treatment Facility building sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City kahapon, sinabi ng pangulo na umaasa ring siyang pagi-igtingin pa ng lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa buong bansa ang kanilang serbisyo sa mga Pilipino.
Ayon sa pangulo, dahil sa programang ito, hindi na kakailanganin pang bumiyahe nang malayo ng mga pasyente upang makakuha ng medical treatment na na kanilang kailangan.