Mga residente sa Batangas na malapit sa Taal Volcano, nananatiling kalmado sa kabila ng pagputok kanina ng bulkan

Photo Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Nananatiling kalmado ang mga residente sa Batangas sa kabila ng pagputok kaninang umaga ng Taal Volcano.

Ayon sa mga residente ng Lemery at Tanauan sa Batangas, agad naman na kumalma ang sitwasyon matapos ang pagbuga ng abo ng Bulkan.

Hindi naman anila ito nasundan na ng iba pang mga aktibidad ng bulkan.


Bunga nito, normal naman anila ngayon ang kanilang pamumuhay doon at wala namang nagsisilikas pa.

Pinapayuhan naman ng mga awtoridad ang mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Taal na manatiling alerto.

Sa ngayon ay itinigil muna ang mga aktibidad sa paligid ng Taal.

Facebook Comments