Mga medical workers ng PNP nakahanda na para sa deployment upang tumulong sa iba pang mga medical health workers kontra COVID -19

Tiniyak ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar na anumang oras ay ide-deploy nila ang kanilang mga medical workers para tumulong sa mga medical health workers na labanan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP chief, ang PNP Health Service ay may mga tauhan nang naka-deploy ngayon sa kanilang mga regional at provincial offices para tutukan ang kalusugan ng mga pulis.

Aniya, handa ang PNP na ipahiram ang mga medical workers na ito para tumulong sa iba pang mga medical workers ng gobyerno.


Sa katunayan ayon kay Eleazar, nagamit na ang kanilang mga medical workers sa vaccination program ng gobyerno matapos magsanay.

Ginawa ng PNP ang pagtiyak matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihanda deployment ng medical workers ng PNP at AFP.

Facebook Comments