Mga Metro Manila mayor, pinasusumite ng DILG ng operation plan para lumuwag ang pangunahing kalsada

Inatasan ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng mga alkalde sa Metro Manila na magsumite sa loob ng dalawang buwan ng kanilang mga operation plan kung papaano maiibsan o mapapaluwag ang mga kalsada na kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, sa Lungsod ng Quezon partikular na sa Brgy. Tatalon ay aktibo ang mga citizens na tumalima sa pagpapatupad ng Brgy. Traffic Ordinance.

Hiniling din ni Densing sa mga Mayors na humiling sa kanilang City Councils na pag-aralan ang mga ordinansa sa trapiko at  amyendahan na pagbawalan ang mga illegal structures sa mga kalsada, lalo na aniya tuwing rush hours.


Dagdag pa ni Usec. Densing na gusto umano ni Secretary Eduardo Año  na magkaroon ng imbentaryo ng road networks na may problema sa ilegal na structures at kinakailangan aniyang i-audit ang ganitong road networks kung saan ay gagawa rin aniya  ang DILG  ng sariling audit.

Facebook Comments