Mga Metro Manila migrants at OFWs sa ilalim ng “Balik-Probinsya” program, target na bigyan ng DAR ng agricultural lands

Abot sa labinlimang libong Metro Manila migrants at nagbabalikbayang Overseas Filipino Workers sa ilalim ng “Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program” ng gobyerno ang mabibigyan ng agricultural lands.

Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary John Castrociones, naghahanap na sila ng agricultural lands ang para ipamigay.

Isa aniyang paraan ito para makatulong sa pamahalaan sa pag-decongest ng Metro Manila at iba pang urban areas.


Sinabi ni Castriciones kung sakaling maaprubahan ang mungkahing “New Economic Opportunities in Government-Owned Land Distribution (NEO-GOLD)”, ipatutupad ito ng DAR Field Operations Office.

Ang inisyatibong ito ang naghahanda para sa pagtatag ng mga agro-industrial communities at gawing maunlad ang mga kanayunan.

Sa ganitong sistema mapanatii ang kabuyahan ng mga maninirahan.

Sinabi pa ng kalihim ang isinusulong na proyekto ng DAR ay planong makapamahagi ng 30,000 ektarya ng government-owned lands sa mga qualified enrollees ng programa.

Bahagi nito para gawing sakahan, paglaan ng espasyo para sa pabahay, mga pasilidad sa komunidad at mga kalsada.

Kasama rin sa plano na mabigyan sila ng pautang at microfinance para sa produksyon, pagproseso at pagkakaroon ng mga negosyo.

Facebook Comments