Mga militante, nagsagawa ng magkakahiwalay na kilos-protesta sa NCR kasabay ng paggunita sa Martial Law

Nagsagawa ngayong araw ng magkakahiwalay na kilos protesta ang anti-Marcos groups kasabay ng paggunita ng ika-50 taon ng Martial Law.

Sa Maynila, kabilang sa nanguna sa demonstrasyon ang mga miyembro ng Southern Tagalog Movement Against Tyranny.

Isinisigaw nila ang pagpapatigil sa pagrebisa sa kasaysayan ng Batas Militar.


Nabigo naman silang makalapit sa Mendiola Bridge makaraang harangin ng mga tauhan ng Manila Police District.

Sa Quezon City naman, nagmartsa mula Elliptical Road patungong UP Diliman Campus ang ilang mga raliyista kung saan inihihirit naman nila ang dagdag na sahod, pagkakaroon ng trabaho para sa mga Pilipino at ang pagkilala sa karapatang pantao.

May mga raliyista rin ang sumugod sa People Power Monument bitbit ang mga placard na may nakasulat na “Never Again to Martial Law”.

Ilan ding Martial Law survivors ang nagbahagi ng kanilang naging karanasan noong panahon ng Batas Militar.

Naging mapayapa naman ang pagdaraos ng programa ng mga militante.

Facebook Comments