VP Sara Duterte, personal na dadalo sa state funeral ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe

88

Lilipad sa susunod na linggo patungong Japan si Vice President Sara Duterte.

Ito ay para personal na dumalo state funeral ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Kinumpirma rin ni Duterte kay Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na personal niyang dadalhin sa kanyang paglipad ang condolence letters mula sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Pangulong Bongbong Marcos.


Si Abe ay binaril at napatay ng isang 41-anyos na suspek noong July 8 habang nagtatalumpati sa Japan.

Facebook Comments