Manila, Philippines- Nagbanta ang mga militanteng estudyante na magsasagawa sila ng sunod sunod na kilos protesta kapag hindi pinakinggan ng CHED ang kanilang mga kahilingan sa gobyerno.
Una rito nagsagawa ng kilos protesta ang mga ito kahapon sa harapan ng Commission on Higher Education upang ipanawagan na itigil na ang paniningil sa matrikula at iba pang bayarin sa kolehiyo at Unibersidad.
Inisprehan ng pulang pintura ang gate ng CHED bilang simbolo ng kanilang mariing pagtutol sa pagtaas ng matrikula ng mga estudyante sa kolehiyo.
Hindi anila makatarungan na magtaas ng matrikula ang CHED dahil maraming mga estudyante ang hindi makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral kapag nanatiling mataas ang mga tuition fees sa mga Kolehiyo at Unibersidad sa bansa.
DZXL558, Silvestre Labay