Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Quezon City Police District na papayagan nila ng mga militanteng grupo na makalapit sa Batasan Pambansa sa araw ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni QCPD District Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, walang pagharang na gagawin ang pulisya sa mga raliyesta na magsasagawa ng kilos protesta sa July 4 sa SONA ng Pangulo.
Paliwanag ni Eleazar, inirekomenda niya sa pamunuan ng PNP National Headquarters na makalapit sa Batasang Pambansa ang mga ibat ibang militanteng grupo upang maihayag ng maayos ng mga militante ang kanilang hinaing at panawagan sa Pangulo.
Paliwanag ni Eleazar na lalagyan din naman ng QCPD ng barikada ang paligid ng Batasan Complex upang matiyak na hindi makakapasok sa loob ang mga militante grupo.
Matatandaan na nitong weekend, idinaan ng NCRPO sa contest ang kanilang paghahanda para sa SONA.
Giit ni Eleazar na mahigpit din umano ang tagubilin ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa sa kanilang mga tauhan na panatilihin ang maximum tolerance sa araw ng pag-uulat ng Pangulo sa taumbayan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558