Manila, Philippines – Nakakasa na ang seguridad na ipapatupad ng Manila Police District kaugnay ng mga kilos protesta na ikinasa ng mga militanteng grulo kaugnay ng pagdiriwang ng ika-241st taon Araw ng Kasarinlan ng Estados Unidos.
Ayon kay Supt.Erwin Margarejo,spokesman ng Manila Police District, nakaalerto ang mga elemento ng civil disturbance unit ng MPD malapit sa US embassy na lugar na susugurin ng nga grupo sa ilalim ng bagong alyansang makabayan o bayan.
Nagpakalat din ng pulis malapit sa Supreme Court na inaasahang lulunsaran ng mga kilos protesta kasabay ng pagpapalabas ng pasiya kaugnay ng mga petisyon laban sa martial law.
Maximum tolerance naman ang ipaiiral ng MPD sa mga nakaumang na rally sa Maynila.
Sa Plaza Salamanca unang magtitipon tipon ang mga raliyista bago tumulak sa US embassy.