Election Officer sa bayan ng Barili, Cebu – patay sa pamamaril

Cebu, Philippines – Patay ang election officer sa bayan ng Barili, Cebu, matapos pagbabarilin sa may merkado publiko sa Barangay Poblacion.

Ang biktima ay kinilala na si Cris Flores, taga-Poblacion sa naturang bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Barili Police Station, nakatayo lang ang biktima sa may pawnshop sa nasabing lugar nang barilin ng hindi pa nakilalang mamumuno.


Patuloy pang inaalam ng kapulisan kung may koneksyion sa kanyang trabaho ng biktima bilang election officer sa nasabing bayan ang dahilan ng krimen.

Inaasahan na makatutulong ang CCTV camera ng isang establisyimento malapit na pinangyarihan ng pamamaril.

Ikinalungkot naman ni Cebu Provincial Comelec Supervisor Atty.Lionel Marco Castillano ang pagkamatay ni Flores.

Facebook Comments