Nagsagawa ng rally ang mga iba’t ibang militanteng grupo sa Mendiola, Manila sa paggunita ng ika-34 na anibersaryo ng Mendiola Massacre.
Unang nagsimula ang rally ng mga militanteng grupo sa harap ng University Sto. Tomas sa España Boulevard hanggang sa makarating sila ng Mendiola pero nakaabang na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kaya’t sa gitna na lamang ng kalsada sila nagsagawa ng programa.
Panawagan nila sa kasalukuyang administrasyon itigil na ang pagkamkam ng mga lupa ng mga magsasaka, pamumulitika, red tagging, unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at huwang gawing dahilan ang pandemya.
Nais din ng mga militanteng grupo na maresolba na ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng Land Reform Program.
Sa huli, hustisya pa rin ang ipinapanawagan ng mga militanteng grupo sa mga nasawing magsasaka na tanging karapatan lamang sa lupa ang ipinapanawagan.
Giit ng mga militanteng grupo na bumaba na lamang sa pwesto ang mga nakaupong opisyal ng pamahalaan kung hindi na kayang gampanan ang kanilang trabaho.