Mga militanteng grupo sa bansa, bagsak ang gradong ibinigay sa SONA ni Pangulong Duterte

Nagsama-sama muli ang ilang militanteng grupo ng bansa ngayong umaga sa Quezon City upang bigyan ng bagsak na grado ang ginawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Anila, recycled at lahat kasinungalingan ang pinagsasabi ni Duterte sa kaniyang panghuling SONA.

Dagdag pa nila, hanggang sa huling yugto ng administrasyong Duterte ay wala pa ring malinaw na plano upang tugunan ang pangangailangan ng mga maralitang Pilipino.


Sa loob anila ng limang taong panunungkulan ni Duterte bilang pangulo ng bansa, mas lalo anila itong nagpahirap sa kalagayan at pamumuhay ng mga Pilipino lalong-lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Giinit nila mula sa kalusugan, transportation, edukasyon, ekonomiya, Overseas Filipino Workers o OFWs at iba pa na hindi naging prayoridad ng administrasyon.

Kaya naman wala na anila silang aasahan sa natitirang isang taon ni Duterte bilang pangulo ng bansa.

Kaya naman anila dapat nang wakasan ang Duterte administration at huwag na itong ipagpatuloy.

Dumalo rin ang Anakbayan, AnakPawis Partylist, Kilusang Mayo Uno, at Gabriela.

Facebook Comments