Manila, Philippines – Tatapusin na ngayong araw ng iba’t ibang militanteng grupo ang 3 araw nilang kilos protesta kaugnay ng idinaraos na 31st ASEAN Summit sa bansa.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Carlos Isagani Zarate pagtapos nilang maghayag ng saloobin at sunugin ang dambuhalang watawat ng Estados Unidos ay payapa nilang lilisanin ang Mendiola.
Sinabi pa ni Zarate, hindi na nila pipilitin pang lumapit sa PICC kung saan ginaganap ang summit.
Sa datos ni Zarate nasa pito hanggang syam na libong indibidwal ang nakikiisa ngayon sa protesta dito sa Mendiola.
Sigaw nila, wala namang napapala ang ordinaryong mamamayan sa mga kahalintulad na Int’l event dahil patuloy paring naghihirap ang mga pinoy.
Samantala, nananatili paring sarado sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng Legarda at Mendiola.